UMABOT na sa 65 milyong pisikal at digital na national ID ang naipamahagi ng ahensiya, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Idinagdag ng PSA na kabilang dito ang 31.2 milyong physical national ID (PhilIDs) at 33.8 milyon na digital national ID (ePhilIDs).
“In less than a month, more than five million registered persons are included in the growing number of Filipinos with PhilIDs and ePhilIDs and may now enjoy the benefits of being registered to the Philippine Identification System (PhilSys),” sabi ni PSA Undersecretary at National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa.
Idinagdag ni Mapa na patuloy ang koordinasyon ng PSA sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa printing ng card at sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) para sa delivery ng mga national ID.