‘Naniniwala sa hiwalayang Liza-Enrique, uto-uto’

TINAWAG na uto-uto ng ama ni Liza Soberano ang mga netizens na naniniwala sa tsismis na hiwalay na ang anak sa aktor na si Enrique Gil.

“Kaya dumadami taong nag vavlog dami mga oto oto maski Wala Naman hard facts pinapatulan,” ani John C. Soberano sa Facebook.

Sagot ito ng padre de pamilya sa pahiwatig ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz na hiniwalayan ng aktres ang kasintahan.

Ani Ogie, bunsod ang hiwalayan ng desisyon ni Liza na subukin ang kanyang kapalaran sa Hollywood.

“Sana kung meron mang hindi pagkakaunawaan, ma-patch up nila. Sayang, ilang taon din sila, 8 years. Sayang!” ani Ogie.

“Nakakalungkot ito dahil ako ‘yung tipong tingin ko sa kanila noong ako pa ang manager ni Liza, ang ganda ng relasyon nila,” dagdag niya.