MATAGAL na sanang isinailalim ang pamamahala ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport sa isang pribadong organisasyon nang hindi na lumalala pa pangit na sitwasyon at kalagayan ng airport.
Ito ang naging pahayag nina Senador Grace Poe at Francis Escudero hinggil sa napipintong planong pagsasapribado ng NAIA.
Ayon kay Poe, chair ng Senate committee on public services, na hindi lang napapanahon ang pagsasapribado kundi matagal na sana itong ginawa upang hindi na maranasan ang mga kaguluhan sa NAIA.
“We could have averted the glitches that messed up the flight schedules and inconvenienced thousands of travelers had the modernization of the airport’s air traffic control and operations been undertaken years ago,” ani Poe.
Ito rin ang ibinidang rekomendasyon ng panel na mag-enlist na ng mga private concessionaire na posibleng humawak ng operasyon ng NAIA matapos imbestigahan ang aberyang nangyari noong Enero 1.
Anya, malaki ang naging transpormasyon ng Mactan-Cebu International Airport simula nang isailalim ito sa private consortium.
“This could be a template for the modernization of the NAIA operations. It’s time to start fixing our country’s premier gateway. Filipinos and foreign travelers deserve a better airport,” ayon pa sa senador.
Pabor din si Escudero na kailangan nang isapribado ang NAIA.
“The private sector, I believe, is by far more efficient than government,” ayon kay Escudero.