SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na tumaas ng 10 hanggang 27 porsiyento ang presyo ng mga produktong pang Noche Buena.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na inilabas na ngayong araw ang price guide para sa suggested retail price (SRP) ng mga produktong ibinibenta sa merakdo.
“Ang range ng pagtaas niya compared to 2021 nasa 10 porsiyento, mayroong pinakamalaki, 27 porsiyento depende sa produkto. Sa ham for example hanggang 10 porsiyento siya and then fruit cocktail is at 13 percent pero ang mayonnaise medyo mataas, nasa 27 porsiyento,” sabi ni Castelo.
Tiniyak din ni Castelo na todo ang pagbabantay ng DTI para matiyak na walang magsasamantala ngayong kapaskuhan.
“Todo naman ang pagbabantay ng DTI talaga especially now, itong Christmas Season so ang Noche Buena products, mayroon kaming listahan ng presyo. Ito iyong talagang presyo na binibenta in the market although siyempre nag-advise din naman ang manufacturers sa DTI na magtataas na sila for this year,” dagdag ni Castelo.