NAGHAHANAP na ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) upang mapababa ang presyo ng luya sa pamilihan na resulta ng mahigpit na suplay nito.
Sa pinakahuling monitoring, umabot na sa P280 kada kilo ang presyo nito sa ilang palengke sa Metro Manila, ayon sa DA.
Mas mababa ito sa P300 kada kilo na naitala noong nakaraang dalawang linggo.
Sinabi ni DA Undersecretary Ching Caballero na para matugunan ang mahigpit na suplay ng luya ay tinitingnan na ngayon ng kagawaran ang iba pang lugar malapit sa Metro Manila na maaaring may available supply ng naturang produkto..
“We are monitoring now kung saan mga area na meron pang supply na available so we can bring in through the Kadiwa system,” ani Caballero.
“Ang ginagawa namin ngayon ay i-schedule ang production sa mga lugar na hindi pa nata-tap noon para gawin ang production for commercial use,” dagdag ng opisyal.