MULING tataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes kung saan inaasahang aabot sa pagitan ng P2.70 hanggang P3 kada litro ang iaakyat sa presyo ng diesel at kerosene.
Ayon sa mga industry sources, aabot naman sa 80 sentimo hanggang P1.20 kada litro ang ipatutupad na dagdag presyo ng gasolina.
Ngaying linggo umabot ng mahigit P6 ang itinaas sa presyo ng diesel.
Inaasahang magtutuloy-tuloy pa rin ang pag-akyat ng presyo ng petrolyo sa harap naman ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng langis dahil sa napipintong recession sa buong mundo.