MAGPAPATUPAD ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis simula Martes.
Base sa datos, aabot ng P2.10 hanggang P2.30 kada litro ang ibababa ng presyo ng diesel, samantalang aabot naman sa P0.75 hanggang P1 kada litro ang tapyas sa gasolina.
Aabot din ng P2.00 hanggang P2.30 kada litro ang tapyas sa presyo ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagbaba ay bunsod ng pagliit ng konsumo ng China sa harap naman ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa naturang bansa dahil na rin sa ipinatutupad nitong zero-Covid policy.