NAPANSIN n’yo ba?
Bumaba umano ang presyo ng baboy sa merkado ng P15 kada kilo. Mula sa dating P410 kada kilo ay naglalaro na lamang ang presyo ng baboy sa P395, ayon sa Department of Agriculture.
Ito umano ay base sa price monitoring na ginawa ng DA sa Metro Manila nitong Biyernes.
Ayon sa DA, ang presyo ng liempo ngayon ay nasa pagitan ng P330 hanggang P395; habang ang kasim naman ay P295 hanggang P350.
Ayon sa Philippine Pork Producers Federation ang pagbaba ng presyo ay bunsod sa mas maraming suplay sa merkado.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbaha ng mga imported na baboy. Sa huling tala, umabot sa 163.7 milyong kilo ng baboy ang inimport mula sa iba’t ibang bansa mula Enero hanggang Abril 2023.