TULUYANG nang ibinasura ng Kamara ang prangkisa ng Swara Sug Media Corp. na siyang nag-ooperate ng Sonshine Media Network International (SMNI) na pinangungunahan ng founder ng Kingdom of Jesus Christ Church na si Apollo Quiboloy.
Sa botong 284-4 at 4 na abstention, ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 9710, repealing Republic Act No. 11422, na nagbibigay ng 25 taong prangkisa sa Swara Sug Corp.
Apat na kongresista ang bumoto laban sa panukala — sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Duterte Youth party list Rep. Drixie Mae Cardema and Kabayan party list Rep. Ron Salo.
Sa kanyang sponsorhip speech noong nakaraang linggo, tinukoy ni House committee on legislative franchises chair at Parañaque City Rep. Gustavo Tambunting na nakita ng komite ang maraming paglabag ng network sa prangkisang ibinigay rito.
Ilan anya rito ay ang hindi pagiging patas at accurate ng kanilang balita.