HANDA ang Senate committee on public services na repasuhin ang prangkisang National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) upang masilip kung nagagawa nga ba nito ang kanyang mga obligasyon, ayon kay Senador Grace Poe.
Ginawa ni Poe pagtiyak sa kahandaan ng komite na kanyang pinamumunuan matapos ang malawakang brownout na nangyari sa Panay nitong bagong taon.
Ayon sa senador “there should be no room for inefficiency, mismanagement, and blunders” sa pagtupad ng kanilang obligasyon ang nasabing korporasyon.
“The recurring blackout in Panay Island showed something needs fixing to ensure uninterrupted delivery of cheap, stable, and accessible electricity to our people in Panay,” pahayag ni Poe sa isang kalatas.
“We need to see if the NGCP is keeping up with its obligations under its franchise,” dagdag pa nito.
Nauna na ring naghayag ng kanilang kahandaan ang ilan pang senador na rebyuhin ang prangkisa ng NGCP. Ilang resolusyon din ang kanilang inihain para imbestigahan ang nasabing malawakang brownout na dinanas ng mga residente sa Panay island.
Sa Enero 10, bubuksan ang pagdinig ng Senate committee on energy hinggil sa nasabing isyu.