INATASAN ng Department of Agriculture (DA) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ikonsidera ang planong kampanya laban sa pampano at salmon simula Disyembre 4, 2022.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni bagong DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na pinulong ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban si BFAR Officer in Charge (OIC) Atty. Demosthenes Escoto at iba pang opisyal ng ahensiya kaugnay ng ban sa pagbebenta ng pampano at salmon simula sa Linggo.
“Mukhang mali ang timing. Kahapon, nag-usap-usap kami, teka muna, magbigay muna ng tayo ng moratorium, i-review natin ang inyong regulasyon pertaining to that baka hindi na napapanahon,” sabi ni Estoperez.
magsagawa ng press conference si Escoto mamayang ala-1 ng hapon kaugnay ng isyu.