UMAASA si Senador Grace Poe na matatalakay sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ang isyu ng West Philippine Sea.
Naniniwala anya si Poe na paninindigan ni Marcos ang mga pahayag sa unang SONA niya na hindi nito isusuko ang bansa sa gitna ng patuloy na pag-angkin ng China sa WPS.
“Sabi niya, we will not surrender an inch…So perhaps, he might mention also the different cooperation with other countries in terms of patrolling our economic zone,” sabi ni Poe kamakailan.
Maganda umanong makarinig ang publiko ng pahayag mula sa pangulo tungkol sa anumang development hinggil sa estado ng bansa sa paggiit nito sa kanyang soberenya.
“It would be nice to hear the developments with regards to protecting our national sovereignty,” dagdag pa ng senador.
Haharap si Marcos sa publiko alas-4 ng hapon Lunes para sa kanyang ikalawang SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City.