Poe, Villanueva: ‘Mafia’ sa NAIA buwagin

NANAWAGAN sina Senador Grace Poe at Joel Villanueva sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na buwagin ang tila “mafia” na gumagalaw sa loob ng nasabing paliparan, matapos ang panibagong insidente ng pagnanakaw ng isa sa mga security personnel dito.

Lalo pang nalagay sa matinding kahihiyan ang bansa nang mahuli sa isang video footage ang empleyado ng Office of Transportation Security habang nilulunok ang dollar bills na nagkakahalaga ng 300 na ninakaw sa isang Chinese traveler, ayon kina Poe at Villanueva.

“What we have seen from the (closed-circuit television, or CCTV footage) is not the whole story. There are reports that the OTS employee was directed to do it to conceal the crime, which shows that she has cohorts who are fellow insiders,” ayon kay Poe, chair ng Senate committee on public services.

“Those who violate the law must be punished at once,” dagdag ni Poe.

Anya pa, dapat magsagawa ang OTS ng internal cleansing sa hanay nito at sibakin ang mga scalawag.

Nakalulungkot at nakakahiya naman ang iskandalo, ayon kay Villanueva, kaya’t anya dapat magsagawa ng retraining ang mga airport personnel.

“We need to find out if the suspect is in cahoots with other employees so we can dismantle the mafia that is operating inside the airport,” sabi ni Villanueva.

Dapat din anyang maging mapanuri ang tanggapan sa pagkuha ng mga empleyado upang makaiwas sa mga scalawag na siyang sumisira sa ahensiya at image ng bansa.