HANGGANG ngayon ay nangangamba pa rin si Senador Grace Poe sa ipatutupad na cashless toll plaza simula sa Oktubre 1 lalo pa’t malaki ang mga penalties na nakaamba sa mga motoristang hindi makasusunod dito.
Ayon kay Poe, hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan na ang nga RFID (radio frequency identification) ay walang palpak bukod pa sa mga issue ang hindi pa rin nasasagot gaya ng kakulangan ng RFID installation venues at single RFID para sa lahat ng tollways.
Una nang nag-abiso ang Department of Transportation hinggil sa ipapatutupad na cashless tollways na nagpapaala na pagmumultahin ang mga motorista na dadaan sa mga tollways na walang RFID o kaya ay walang sapat na load balance.
May multang P1,000 sa unang offense ang dadaan sa tollway na walang RFID, habang P2,000 at P5,000 naman sa ikalawa at ikatlong offense.
“Before imposing penalties on motorists, concerned agencies and operators must ensure that all their devices are reliable and glitch-free,” ayon kay Poe.
Kailangan pa rin anyang maglaan ng lane para sa cash payment kung sakaling magkaroon man ng kung anong aberya.
“Transport authorities should also keep a lane for cash payments for unforeseen circumstances like the scanners that do not work.”
Sinabi rin ni Poe na kailangan ding siguruhin ng mga nagmamantina ng expressways na maganda ang serbisyong ibinibigay ng mga ito sa mga motorista lalo pa’t mahal ang toll na ipinapataw bukod pa sa mga fines na ipatutupad.
“With the imposition of the toll fees, a seamless and efficient toll collection technology is what was promised to road users,” dagdag pa ng senador.