MAKALIPAS ang 20 taon mula nang pumutok ang “hello, Garci” scandal, binalikan ni Senador Grace Poe ang insidente na siyang dahilan kung bakit hindi naluklok ang kanyang ama na si action king na si Fernando Poe Jr. bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Poe, walang goodbye sa nasabing iskandalo hangga’t hindi lumalabas ang katotohanan at maparusahan ang nasa likod nito.
“Mahirap sabihing goodbye, ‘Hello Garci’ hanggang hindi lumalabas ang buong katotohanan, walang napaparusahan at patuloy pa rin ang dayaan,” ayon kay Poe sa isang kalata niton Biyernes.
Ang “Hello, Garci” ay serye ng mga recorded phone calls ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ng dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kaugnay sa operasyon para dayain ang resulta ang 2024 elections.
Magkatunggali noon sina Arroyo at yumaong action superstar.
Sa pahayag ng senador, kailangan alalahanin ng mga Pinoy ang insidente para maging daan upang paigtingin pa ng publiko ang pagbabantay sa kanilang boto lalo na ngayong papalapit na naman ang eleksyon.
“The Hello Garci scandal may be just a historical footnote to some with short memories. Still, a recounting must be made to put the incontrovertible facts to record and to serve as a valuable reminder not to let it happen again,” ayon kay Poe.