MULING iginiit ni Senador Grace Poe ang kahalagahan ng school-based feeding program na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).
Sa pagtalakay sa plenaryo ng inihahaing budget ng DepEd nitong Huwebes, partikular na tinukoy ni Poe na mas marami nang mag-aaral sa Bicol region ang nakakabahagi sa feeding program dahil sa budget na inalalaan sa nasabing programa.
Dahil dito, nagpasalamat siya sa mga kasamahang mambabatas sa paglalaan ng may P11 bilyong pondo para mapanatili ang national feeding program.
“Let’s not discount the impacts of what you’re doing. That’s an investment in the future,” ayon kay Poe kasabay ang panawagan sa DepEd na siguruhin ang maayos na rollout ng school-based feeding program sa susunod na taon.