PINAGPAPALIWANAG ni Interior Secretary Jonvic Remulla si PNP Chief General Rommel Marbil hinggil sa pagdaan ng police convoy sa EDSA busway Martes ng gabi.
Sinasabi na convoy diumano ng PNP chief ang dumaan sa EDSA busway.
Tumanggi namang kumpirmahin ni Marbil na kanyang sasakyan nga at convoy ng mga senior officials ang dumaan sa busway na sinita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa panayam kay Marbil sa radyo, ayaw nitong kumpirmahin na sa kanya nga ang sasakyan sa pagsasabi na “na-reveal” naman na anya ang plaka ng sasakyan.
Sa press conference sa Malacanang, sinabi ni Remulla na wala siyang ideya sa pagdaan ng convoy ni Marbil sa busway.
Gayunman, dapat anyang magpaliwang dito si Marbil.
Nanawagan din si Remulla sa mga pulis na huwag dumaan sa EDSA busway.