INALMAHAN ng Malacañang ngayong Martes ang plano ng mga overseas Filipino workers na magsagawa ng umano’y “zero remittance week” bilang kampanya para isulong ang pagpapabalik sa bansa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang plano ay inisyatiba ng grupong Maisug Croatia sa Europe, na balak isagawa ngayong Marso 28 hanggang Abril 4, bilang protesta laban sa gobyerno.
Ayon sa plano, hindi sila magpapapadala ng pera sa bansa, isang paraan na posibleng makaapekto sa ekonomiya.
Ang OFW remittrances ay malaking kontribusyon sa gross domestic product.
Pinaghinay-hinay naman ng Palasyo ang mga OFWs, at sinasabing may mga kasong isinampa laban sa dating pangulo na dapat nitong sagutin.
“Of course, we prefer that every Filipino remains calm on issues like this. The government is simply adhering to our laws,” pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro .
“There are also Filipinos who have filed complaints against former President Duterte. We hope people will be fair in their views to avoid the consequences of such actions,” dagdag nito.