UMABOT na sa P1.13 bilyon ang pinsalang idinulot ng bagyong Florita, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Base sa pinakahuling ulat ng DA, tinatayang 6,647 magsasaka sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol Region ang apektado ng nakaraang bagyo kung saan umabot sa 66,633 metriko toneladang bigas, mais, at iba pang high value crops ang nakatanim sa 44,922 ektarya ng mga sakahan ang nasira.
Idinagdag ng DA na apektado rin ng ‘Florita ang mga livestock at poultry farms.