INIULAT ng Department of Health (DoH) na dalawa pang kaso ng monkeypox ang naitala sa bansa, dahilan para umabot na sa tatlo ang mga tinatamaan ng bagong virus.
Sinabi ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na ang bagong kaso ay isang 34 at 29-anyos na bumiyahe sa mga bansang may kaso ng monkeypox.
Idinagdag ni Vergeire na nagpositibo sa monkeypox and dalawa noong Agosto 18 at 19.
Matatandaang inihayag ng DoH ang unang kaso ng monkeypox noong Hulyo 29.
Ayon kay Vergeire, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng dalawang bagong tinamaan ng monkeypox.