KINONDENA ng militar at Philippine Coast Guard ang panibagong pag-atake ng China Coast Guard sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na nakatalaga sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos bombahin ng water cannons ang mga sasakyan ng PCG na nagbibigay escort sa mga bangka ng AFP nitong Sabado sa may Ayungin Shoal.
“The Philippine Coast Guard strongly condemns the CCG’s dangerous maneuvers and illegal use of water cannons against the PCG vessels escorting the indigenous boats chartered by the Armed Forces of the Philippines,” ayon sa kalatas ng PCG.
Hinikayat ng PCG and CCG na irespeto nito ang soberenya ng Pilipinas na sumasakop sa exclusive economic zone at continental shelf, at tigilan ang pagharang sa karapatan nito na magsagawa ng nabigasyon, at aksyunan ang ginawang panghaharas ng mga sangkot na tauhan.