MABABAWASAN ang kaso ng Covid-19 sa bansa kung palalawigin ang unified curfew hours at ang pagbabawal sa mga bata na lumabas ng bahay.
Naniniwala rin ang OCTA Research Group na makikita ang resulta ng mga bagong Covid-19 measures kung hahabaan ang implementasyon ng mga ito.
“Realistically, baka kulangin iyon. Titingnan muna natin ‘yung datos. This week naman baka makita natin kung may slowing down effect,” ani Guido David ng OCTA sa panayam sa TV.
Matatandaang isiniwalat ng research team na aabot sa 20,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa pagdating ng Abril.