NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Los Angeles Police Department ang driver’s license na ginamit ang larawan ni Pangulong Duterte. Hindi naman sinabi ng mga opisyal ng Rampart station ng LAPD kung kanino nakuha ang lisensya.
Sa Twitter account, inanunsyo ng police station na nalaman ng kanilang mga tauhan na peke ang lisensya dahil sa picture na nakalagay rito.
“Vice Officers recognized the picture used on a fake ID, to be that of the President of the Philippines. Good thing our Officers patrol Historic Filipino Town and are up to speed. Nice try,” sabi sa tweet.