UMABOT na sa 72 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng Tropical Storm Paeng, ayon sa pinakalatest na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Sabado.
Nagtala ang Maguindanao ng 67 na nasawi, siyang may pinakamaraming bilang na naitala habang dalawa sa Sultan Kudarat at dalawa rin sa South Cotabato. Ang mga natitirang bilang ay mula naman sa Visayas, ayon bay Bernardo Rafaelito Alejandro, spokesman ng ahensya.
Nasa 14 naman ang bilang ng mga naiulat na nawawala habang ang 33 ang nasugatan sa pananalasa ni “Paeng” na may maximum sustained winds of 95 kilometers per hour at may pagbugsong hanggang 160 kph. Nag-landfall ito kaninang madaling araw sa eastern part ng Catanduanes sa Bicol.
Samantala, umabot na rin sa mahigit 50,000 pamilya ang apektado ng bagyo sa buong bansa o katumbas na 184,181 na inbidwal.