31 patay kay #PaengPH sa BARMM

UMABOT na sa 31 ang nasawi dala ng bagyong Paeng sa BARMM, ayon kay Naguib Sinarimbo ang interior and local government minister ng BARMM.

May 16 umano ang nasawi sa Datu Odin Sinsuat habang lima naman ang nasawi sa bayan ng Upi, at 10 naman ang naiulat na namatay sa bayan ng Datu Blah.

Umabot naman sa 67,000 indibidwal ang apektado ng bagyo sa Cotabato City.

Ayon sa opisyal, patuloy pa rin nilang kinoconsolidate ang iba pang bilang ng mga apektadong mamamayan sa rehiyon. |via John Roson