UMAPELA ang Department of Interior and Local Government sa 17 alkalde ng Metro Manila na magkaroon ng pare-parehong oras ng curfew sa kanilang nasasakupan upang hindi nalilito ang publiko.
Ani DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, mas magiging madali rin sa pulisya na ipatupad ang curfew kung iisa lamang ang mga oras nito sa buong rehiyon.Ang curfew sa Muntinlupa at Caloocan ay mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.; Malabon, Navotas, Quezon City, at Marikina: mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.; Pateros, Manila, Pasig at San Juan: mula 12 a.m. hanggang 5 a.m.; at Valenzuela, Pasay, Parañaque, Taguig, Las Piñas, Makati, at Mandaluyong: mula 12 a.m. hanggang 4 a.m.