Palasyo may pa-ayuda sa ECQ

MAY MAAASAHANG tulong-pinansyal ang mga mamamayan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), paniniyak ni presidential spokesman Harry Roque.


“Dahil naintindihan po ni Presidente (Rodrigo Duterte) na habang tayo ay ECQ ay di pupwede magtrabaho, magkakaroon tayo ng tulong na ipamimigay sa ating mga kababayan,” ani Roque.
Hindi naman niya sinabi kung magkano ang ayuda at kung paano at kailan ito ipamimigay.


Noong Abril ay namahagi ng P5,000 sa mga manggagawa ang Department of Labor and Employment.