Palasyo idineklara Hunyo 28 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha

IDINEKLARA ng Palasyo ang Hunyo 28, 2023 bilang regular holiday bilang bahagi ng paggunita ng Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).

Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Proclamation 258 kaugnay ng pagdirawang ng Eid’l Adha.

Aniya, ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam.