TINALAKAY sa pulong ng Gabinete ang rebisyon ng K-12 curriculum kung saan nakatakdang ipresinta ni Vice President Sara Duterte ang pinal na pagbabago.
Sa isang briefing, sinabi ni Malacañang press briefer Daphne Oseña-Paez na bukod sa pagpapaganda sa kurikulum ng K-2, tinalakay din ni Duterte sa pulong ng Gabinete ang mga plano ng Department of Education (DepEd) bilang Kalihim ng Kagawaran.
“The Secretary/VP Inday Sara Duterte presented the plans for inclusive learning, support for teachers, improving the curriculum. The DepEd will be presenting a revised K-12 curriculum for basic education on January 30th. The theme of DepEd is, ‘Bansang Makabata at Batang Makabansa,” sabi ni Oseña-Paez.
Idinagdag ni Oseña-Paez na kabilang sa mga nagbigay ng presentasyon sa pulong ng Gabinete ay si Justice Secretary Boying Remulla.
“He highlighted the justice department’s theme of ‘Compassionate Justice’ in keeping with the directive of the President who asked that he check on the legal representation of prisoners based on the President’s experience in Ilocos Norte where he remembered that many prisoners did not have access to lawyers,” dagdag ni Oseña-Paez.