NANINIWALA ang Department of Transportation (DOTr) na malaki ang kapakinabangan sa publiko ng Edsa busway sa kabila ng plano ng pmahalaan na buwagin na lang ito upang magamit ng mas maraming sasakyan.
Sa isang kalatas, inilarawan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Edsa busway bilang “most efficient public road transport system in Metro Manila.”
Anya, 63 milyong commuters sa Edsa ang napagsilbihan nito noong nakaraang taon. Sa katunayan, nito lamang Enero, mahigit sa 5.5 milyon pasahero ang naserbisyuhan nito. Ang average na commuter dito kada araw ay 177,000.
“The EDSA busway is seen as a crucial step towards a progressive public transportation system with 23 stations operating 24/7, affording commuters a safe and reliable option for transport,” pahayag ni Bautista.
Anya merong isinasagawang feasbility study ang pribadong sektor upang ma-improve pa ang Edsa busway.
Nitong Miyerkules, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na pinag-aaralan nila ang pagtanggal sa Edsa busway, para higit na bigyang kapasidad ang Metro Rail Transit (MRT3) system.
“Imagine, one additional lane that can be used by vehicles. Not because we’re car-centric, but it will definitely help decongest the road. It will just be repetitive if the MRT can accommodate the passengers; we don’t see the need for buses,” pahayag ni Artes.