NANINIWALA si Senador Grace Poe na sana ay napaghandaan pa ng mabuti ng pamahalaan ang pagbubukas ng klase kahapon, Lunes, Agosto 22.
Ito ay matapos mapaulat na maraming mga batang mag-aaral ang walang classroom, walang mauupuan habang ang iba naman ay naipit sa kalsada dahil sa kakulangan ng transportasyon.
“When we asked our students to return to classes amid the pandemic, all systems should have been in place to ensure that public utility vehicles are available, traffic flow is manned efficiently and health protocols are observed,” ayon kay Poe sa isang kalatas.
“Classrooms are expected to have the basic facilities. Students should be sitting on chairs, not on the floor,” dagdag pa ng senador.
Ayon kay Poe, dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga mag-aaral at matiyak na ligtas at komportable sila sa pagbabalik nila sa klase matapos ang dalawang taon na online learning.
“We hope concerned agencies will make up for the hitches encountered on Day One of face-to-face classes and make the coming days pleasant for our learners,” dagdag pa ni Poe.