SINABI ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board Member Pablo Azcona na walang limit sakaling simulan nang ibenta ang mga smuggled na asukal sa Kadiwa center.
Idinagdag ni Azcona na inaasahang sisimulan ngayong Abril ang pagbebenta ng 4,000 tonelada o 4 milyong kilo ng mga nakumpiskang asukal sa Subic.
“Actually, ang target po namin is get it out in the market hopefully by this month, May the latest, but that all depends on the agencies involved,” dagdag ni Azcona.
Aniya, kahit ilang ay maaaring mabili sa mga Kadiwa. “Before we put a three kilos limit on the Kadiwa sugar, so this time, we might not put a limit, depending on the volume of sugar that comes in,” dagdag ni Azcona.