Nagpasa ng ordinansa ngayong Biyernes ang Caloocan City na nagpapataw ng P5,000 multa sa mga susuway sa curfew na itinakda at sa ipinatutupad na health protocol.
Pagmumultahin ng P1,000 ang mahuhuling susuway sa unang pagkakataon sa paiiraling uniformed curfew na itinakda ng Metro Manila mayors na magsisimula sa Lunes na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. Sa ikalawa at ikatlong pagkakataon ay pagmumultahin naman ng tig-P3,000 at P5,000.
Ang mahuhuling hindi nakasuot ng mask at face shield ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang agkakataon at P5,000 sa ikalawa.