PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Administrative Order number 46 na nag-ootorisa sa pagbibigay ng P5,000 gratuity pay para sa mga contract of service at job order na mga empleyado ng pamahalaan.
Sa ilalim ng AO 46, makatatanggap ng P2,000 ang mga kawani na wala pang dalawang buwan na nagsisilbi sa gobyerno, samantalang P3,000 naman ang para sa mga manggagawang dalawang buwan nang nagsisilbi, at P4,000 naman para sa mga nagbibigay ng serbisyo ng tatlong buwan pataas.
“Granting a year-end gratuity pay to contract of service (COS) and job order (JO) workers is a well-deserved recognition of their hard work in implementing program, projects and activities, including those which are part of the emergency COVID-19 response efforts of the government,” sabi ni Duterte sa AO 46.