1.2M doses pa ng Moderna dumating sa bansa

DUMATING kagabi sa bansa ang 1,230,800 doses ng Moderna na bahagi nang binili ng pribadong sektor.

Kahapon, tinanggap ng Pilipinas ang 1,981,500 doses ng AstraZeneca at 1,357,300 doses ng Moderna.

Ngayong araw, inaasahang darating pa ang 609,570 doses ng Pfizer na binili naman ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank (ADB).