SISIPA hanggang P5.50 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng patuloy ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Ito na ang ika-10 linggo na magpapatupad ng taas-presyo ang mga kompanya ng langis.
Inaasahang epektibo ang panibagong dagdag presyo mula Marso 8, 2022.
Base sa pagtaya ng Unioil aabot ang taas presyo ng diesel hanggang P5.50 kada litro.
Samantalang inaasahan naman aabot sa P3.40 hanggang P3.50 kada litro ang presyo ng gasolina.
Nitong Biyernes, 5 Marso 2022, umabot na sa $120 kada isang barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.