APRUBADO na ang P40 arawang dagdag umento sa sahod sa Metro Manila.
Mula Hulyo 16, 2023, tataas sa P610 ang arawang sahod mula sa kasalukuyang P570.
Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 1.1 milyong manggagawa sa Metro Manila ang makikinabang sa umento sa sahod.
Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na inaasahang maipatutupad ang pagtaas sa sweldo sa buong bansa sa lalong madaling panahon.
“But I think our negotiations with workers, with the unions, with the different negotiations, we will be able to come to a good working number, a good compromise,” sabi ni Marcos.