P23B para sa apektado ng ECQ

AABOT sa P23 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa mga Pilipino na maaapektuhan ng ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Ani Budget Sec. Wendell Avisado nasa tanggapan na Office of the President ang rekomendasyon na ayuda at hinihintay na lamang ang pag-apruba ni Pangulong Duterte.


Bago ito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na P2,000 ang ibibigay na tulong ng gobyerno sa kada pamilya na nasa ECQ.


Matatanggap ito sa kalagitnaan ng Abril, aniya.


Kaugnay nito ay inihahanda na rin ng mga local government units sa NCR Plus ang tulong para sa kanilang nasasakupan.


“We are encouraging all LGUs na magbigay ng tulong or ayuda sa kanilang constituents,” sabi ni DILG spokesman Jonathan Malaya.


“In fact, may mga nakausap na akong mga mayor kahapon at hinahanda na ng mga LGUs, especially sa NCR Plus bubble area, ‘yung kanilang mga ayuda,” dagdag niya.