UMABOT sa P21.7 bilyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska simula nang maupo si Pangulong Bongbong Marcos, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa ika-21 anibersaryo ng PDEA, sinabi rin nito na sa halos isang taong panunungkulan ni Marcos, nakaaresto rin ang ahensiya ng 44,866 na drug suspects, kabilang na rito ang 3,169 na high-value target, sa isinagawang 32,225 operasyon.
Ang nakalap na datos ay mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 30, 2023.
Ayon pa sa report ng PDEA, may 27,206 mula sa 42,045 barangays ang naideklara ng “drug-cleared” habang 8,332 ang nananatiling drug-affected.