NAGSUMITE ng sulat sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apat na transport group na humihiling ng P2 taas pasahe sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.
Sa liham kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, isinulong nina Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) national president Orlando Marquez Sr.; Piston national president Modu Floranda; Stop and Go national president Zaldy Ping-ay at Fejodap national president Jephraim Gochangco na aprubahan ang P2 fare hike para sa unang apat na kilometro.
Sakaling aprubahan, magiging P14 na ang minimum na pasahe mula sa kasalukuyang P12.
Matatandaan na nitong Martes (Agosto 8), nagtaas ng P4 kada litro sa presyo ng diesel.