INAPRUBAHAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P15.1 bilyon para sa konstruksyon ng 4,912 classroom sa 1,194 lugar sa buong bansa.
“The timely release of these funds, a joint request of the Department of Public Works and Highway (DPWH) and the Department of Education (DepEd), demonstrates that the PBBM administration does not hold back on investing in education. We need to build and repair classrooms to keep up with increasing enrollment in our public schools,” sabi ni Pangandaman.
Nauna nang sinabi Vice President and Education Secretary Sara Duterte na ang kakulangan sa silid-aralan ang pinakakailangan ng DepEd.
“Our schoolchildren need to be in an environment conducive to learning and fun. Kailangan nila ng ligtas, malinis at maaliwalas na mga silid-aralan para makapag-aral nang mabuti. Sila ang ating best investment,” dagdag ni Pangandaman.