SINABI ng isang mambabatas na umabot na sa 3,457 mangingisda na apektado ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress ang nakapaghain ng kabuuang P114 milyong financial compensation claims.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, miyembro ng House committee on ecology, na inaasahan na mas marami pang maghahain ng claims sa ilalim ng International Oil Pollution Compensation Funds, or IOPC Funds.
“Those figures from the International Oil Pollution Compensation Funds, or IOPC Funds, are very preliminary. Additional claims from capture fishery alone have probably been submitted by now, but have not been aggregated and reported yet,” sabi ni Pimentel.
Aniya, inaasahang maghahain din ang Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng gobyerno kani-kanilang claim dahil sa gastos sa paglilinis ng karagatan bunsod ng oil spill. Nagbibigay ng kompensasyon ang IOPC Funds para sa pollution damage mula sa oil spill.