ISANG Lexus LM 350 na nasa pagitan ng P7.5 milyon hanggang P11.8 milyon ang halaga ang regalo ni Zeinab Harake sa kanyang sarili nang mag-birthday siya noong December 11.
“Ito ‘yung gusto kong i-birthday gift sa sarili ko,” aniya sa luxury van.
“Hindi lang para sa akin, kay Baby Bia ‘to. Itong kotse na ito para (rin) kay Baby Lucas dahil gusto niya ng monster truck,” dagdag ng 24-anyos na aktres at social media star.
“Nadelay nang ilang taon, halos two years ‘yung van na gusto ko kay Bia dahil gusto ko kagaya nung van ko before na Alphard,” dagdag niya.
Nang i-turn over sa kanya ang susi, nasabi ni Zeinab na, “I’m such a blessed person. Salamat kay Lord!”
“Ang bango! Nakakakilig ‘yung amoy! Waaah!” sey naman niya nang buksan ang sasakyan.
“Ang saya-saya ko! What a blessing, Lord! Maraming salamat, universe. You got me, you always got me,” sambit niya.
Matapos mailabas ang sasakyan ay agad naman niya itong pinalagyan ng paint protection film bago ipina-ceramic coating.
(Zeinab Harake/Facebook)