INAPRUBAHAN ng Senado nitong Miyerkoles ang landmark bill na nagsusulong ng across-the-board increase na P100 sa lahat ng minimum wage earner sa buong bansa.
“This is our Valentine’s Day gift to all our workers,” sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos aprubahan unanimously sa plenary session ang Committee Report No. 190 na tumalakay sa Senate Bill 2534 .
“This is for them. I think it will be perfect timing because today is the day of hearts. It’s the day of love and sharing,” dagdag pa ng opisyal.
Anya, kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagpasa ng panukala, ito ang kauna-unahang wage hike na isinabatas simula ng maipasa ang Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act noong 1989 na siyang nagsasabatas na tumutukoy sa regional wage boards na siyang mag-aapruba ng anumang wage hike proposal.
Sinabi ni Zubiri na umaasa silang maipapasa ito sa huling pagbasa sa susunod na linggo kasabay ang pag-apela sa Kamara na ipasa na ang counterpart bill ng P100 wage hike.
“We feel that it’s time to help increase the minimum wage of our workers, particularly those in Visayas and Mindanao, who are currently earning P360 a day,” dagdag pa ng senador.