INAPRUBAHAN na Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes ang provisional na P1 dagdag pasahe sa traditional at modern utility jeepneys sa buong bansa.
Sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III, epektibo ang bagong pasahe na P13 sa traditional jeepney at P15 naman sa modern PUJ simula sa Oktubre 8.
“Piso na provisional fare increase lamang po ang inaprubahan natin sa first 4 km. pero wala pong kahit anong dagdag sa succeeding kilometers,” pahayag ni Guadiz.
Ang desisyon na dagdag pasahe ay sagot ng ahensiya sa petisyon ng Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG MASDA), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).
Limang piso na dagdag singil sa pasahe ang unang hirit ng mga transport groups para sa unang apat na kilometro at P1 sa kada dagdag na kilometro,
Temporary lamang ang nasabing dagdag na P1 pasahe, ayon sa LTFRB, at magdedesisyon ito kung papayagan ang unang petisyon ng mga grupo.