SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na nagpalabas na ito ng P1.4 bilyon para pondohan ang Libreng Sakay sa kahabaan ng EDSA Busway na epektibo hanggang Disyembre 2022.
“Ito pong paglagak natin ng additional funds ay suporta natin sa hangad ni President Marcos na i-extend and programang Libreng Sakay ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board hanggang Disyembre,” sabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Nauna nang inaprubahan ang pagpapalawig ng Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022 na una nang natapos nitong Hulyo 31, 2022.
“Malaking tulong at ginhawa po ang Libreng Sakay sa bulsa ng mga commuter, lalo na para sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force. This will support up to 50-million ridership from September 1 until December 31,” dagdag ni Pangandaman.