SA pananalasa ng bagyong Egay sa Luzon at Visayas nitong mga nagdaang araw, umabot sa mahigit sa P1.3 bilyon halaga ng mga produktong agrikultura.
Sa tala ng Department of Agriculture (DA), apektado ng pananalasa ni Egay ang may 91,268 magsasaka at mangingisda mula sa mga lugar na binayo ng bagyo na sumira ng may 98,969 ektarya ng lupang sakahan.
Karamihan sa mga ito ay mula sa mga apektadong lugar ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Western Visayas, and Central Luzon na ang mga produkto ay bigas at iba pang high-value crops, livestock at poultry, agricultural facilities at fishing paraphernalia.
Tiniyak naman ng DA na mananatili sa kasalukuyang presyo ang mga food items gaya ng bigas.