UMABOT na sa P1.29 bilyon ang pinsalang dulot ng super typhoon Karding, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa ipinalabas na kalatas pasado alas-4 ng hapon Martes, sinabi ng DA, kabilang sa mga napinsala ay ang mga palayan sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region kung saan umabot sa 141,312 ektarya ang mga nasira at 72,231 metric tons (MT) ng mga pananim ang hindi na mapakikinabangan.
Tinatayang 82,158 magsasaka at mangingisda naman ang nalugi dahil kay ‘Karding’.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, livestock and poultry, and fisheries. These values are subject to validation. The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high value crops, livestock and fisheries in all affected regions,” ayon pa sa DA.