Jake Zyrus nalasing, nagwala sa US?

IBINAHAGI ni Cristy Fermin na marami umanong nakakakita kay Jake Zyrus sa US na nagwawala ito tuwing nalalasing.

“Uy, pag-usapan natin si Jake Zyrus. Ano nagaganap kay Jake? Ang daming mga Pilipino na nagkukwento sa iba’t ibang lugar sa America na parati siyang nakikitang lasing. At kapag nalalasing na, nawawala sa sarili, nagwawala,” chika ni Cristy.

Sinabi niya na posibleng may malalim na problema si Jake kaya madalas ang paglalasing nito.

“Matindi ito, matindi ito. Kasi ‘yung pag-inom okay lang ‘yan. Kung may okasyon, uminom. Pero kapag nakainom na, eh teka muna, ba’t nagwawala? Ano ang kanyang malalim na problema?” sey niya.

“May malalim na problema itong si Jake. Dapat niya talagang anuhin ‘to, ayusin.”