SINIBAK ng Kamara ang P1.3 bilyon bahagi ng budget ng Office of the Vice President.
Dahil dito aabot na lamang sa P733.1 milyon ang budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Una nang hiniling ng tanggapan ang P2.037 bilyon budget.
Ayon kay House Appropriations Committee chair at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, ang tinapyas na budget ng OVP ay ilalaan sa Department of Social Welfare and Development at Department of Health.
Tataas ang budget ng DSWD ng P646.5 milyon para tustusan ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng departamento habang ang DOH naman ay may karagdagang budget na P646.5 milyon para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program nito.
Tinapyas ang budegt ng OVP dahil sa overlapping functions umano nito na ginagawa naman na ng DSWD at DOH.